𝟏𝟐𝟖𝐓𝐇 𝐊𝐀𝐌𝐔𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍, 𝐊𝐀 𝐓𝐀𝐌-𝐀𝐍
Bawat kwento ay mahalaga, at bawat boses ay naririnig. Sa ating 128th Kamustahan Ka, Tam-an, ito ay naisagawa sa 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐧𝐚𝐚𝐧 𝐄𝐚𝐬𝐭, 𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥, 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚. Nagkaroon tayo ng pagkakataong makumusta, makinig, at mas mapalalim ang ating koneksyon sa ating mga Ka Tam-an members.
Ang goal ng activity na ito ay kumustahin ang kanilang membership journey sa ating Kooperatiba, pakinggan ang kanilang experiences, feedback, suggestions, at mas maintindihan ang kanilang mga pangangailangan. Isa rin itong pagkakataon para ma-remind sila sa mga benefits, responsibilities, at value ng pagiging bahagi ng ating Kooperatiba.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang stories at insights.